Panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience prayoridad ng Kamara sa kanilang pagbabalik sesyon

Dahil sa sunud-sunod na paglindol sa Mindanao, ipapasa na ng Kamara ang mga panukalang batas na naglalayong magtaag ng Department of Disaster Resilience (DDR) ngayong Nobyembre.

Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na mayroong 25 panukala na nakahain na magtatag sa DDR kung saan na inaatasan na humawak dito ang inter-governmental coordination mula sa paghahanda, implementasyon, monitoring at evaluation ng disaster at climate resilience plans programs at mga aktibidad.

Layon ng bubuuing bagong departamento na sakupin na rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense at iba pang kaugnay na ahensiya na agarang magbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa mabilis na paraan at maiwasan na rin ang katiwalian.

Sa kasalukuyan ang panukalang DDR ay nakabinbin sa Kamara at nasa Technical Working Group (TWG) kung saan isa si tingog Sinirangan partylist Rep. Yedda Marie Romuldez ang isa sa may panukala nito at nag draft ng substitute bill.

Tiniyak naman ni Salceda na aani ng suporta sa mga senador ang nasabing mga panukala dahil Sa sandaling maging ganap na batas, ay mangangailangan ng P10 bilyon para sa DDR bill at mangangilangan din ng mga civil servant para sa bagong tatag na departamento.

Umaasa naman ang kongresista na i sesertipika itong urgent ni pangulong Duterte lalo na ngayon at sunod sunod ang kalamidad at pagliindol sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Read more...