Pulis na namuno sa maanomalyang drug raid sa Antipolo City sinibak sa serbisyo

Sinibak na sa serbisyo ang pulis na namuno sa drug raid sa Antipolo City noong May 2019.

Kinumpirma ni Lieutenant General Archie Gamboa, officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP) na pinatawan na ng dismissal si Police Lt. Joven de Guzman.

Si De Guzman ang nagsilbing team leader sa Antipolo drug raid noong nagdaang Mayo.

Maliban dito, bahagi din si De Guzman ng 13 pulis na nagsagawa din ng kontrobersyal na anti-illegal drig operations sa Pampanga noong 2013,

Ang anim pang pulis na kasama sa Antipolo raid ay nauna nang nasibak sa serbisyo.

Read more...