Publiko binalaan sa bogus na visa assistance service sa Korea

May babala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga gustong magpunta sa sa Seoul, South Korea.

Ayon sa abiso ng DFA, mayroong bogus na visa assistance service para sa mga nais magtungo ng Korea.

Madalas ayon sa DFA na ginagamit ang Facebook para i-advertise ang ang visa service at sinasabing tutulungan ang mga Filipino na gustong makakuha ng visa para makapagrabaho o makapanatili sa Korea.

Payo ng DFA, huwag makipagtransaksyon sa mga kahina-hinalang alok sa Facebook at huwag nang ibahagi kung may makikitang ganitong post sa social media.

Sinabi ng DFA na ang Korea Immigration Service (KIS) ay walang iniaalok na serbisyo para maiproseso ang visa applications ng mga irregular at undocumented migrants nakabase sa Korea.

Read more...