Dalawang lane sa bahagi ng NLEX Bocaue isasara sa daloy ng traffic

Dalawang araw na magpapatupad ng closure sa dalawang linya sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Bocaue, Bulacan.

Sa abiso ng Metro Pacific Tollways, may isasarang bahagi ng northbound at southbound sa NLEX Bocaue partikular ang leftmost lane.

Gagawin ang closure mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Nov. 5 at alas 10:00 ng gabi ng Nov. 5 hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Nov. 6.

Ito ay para bigyang daan ang konstruksyon ng bagong Bocaue Interchange Bridge.

Inabisuhan ang mga motorista sa posibilidad na pagsisikip sa daloy ng traffic sa nasabing mga oras.

Read more...