Malakanyang umaasang dadagsa ang foreign aid para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Bukas ang Malakanyang sa tulong na iaabot ng ibang bansa para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao Region.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naging ugali na ng ibang bansa na tumulong sa bansang tinatamaan ng kalamidad kagaya ng Pilipinas.

Nasa Thailand ngayon si Panelo at si Pangulong Rodrigo Duterte at dumadalo sa 35th ASEAN Summit.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na inaayos na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang proseso para sa maayos na relief operations sa Mindanao.

Si Lorenzana ang inatasan ng palasyo na maging tagapangasiwa ng relief operation para sa mga biktima ng lindol.

Read more...