Manila Mayor Isko Moreno magsasalita sa Conference on Air Pollution and Climate Change sa South Korea

Dumadalo sa 2019 International Conference on Air Pollution and Climate Change sa Seoul, South Korea si Manila Mayor Isko Moreno.

Ngayong Lunes (Nov. 4) nakatakdang magsalita si Mayor Moreno sa harap ng world leaders sa na dumadalo sa summit sa Lotte Hotel sa Seoul.

Makakasama si Moreno sa panel discussion kung saan tatalakayin ang epektibong “best practice sharing partnership” para sa climate-energy-air pollution nexus alas 10:00 ng umaga sa Seoul alas 9:00 ng umaga dito sa Pilipinas.

Si Mayor Isko ay inimbitahan ni dating United Nations Secretary General Ban Ki-Moon para dumalo sa naturang conference.

Si Ban Ki-Moon na ngayon ang chairman ng National Council on Climate and Air Quality sa South Korea.

Read more...