“Terminator: Dark Fate” nanguna sa North American box office

Sa debut ng pelikulang “Terminator: Dark Fate” kumita ito ng $29 million sa North America.

Dahil dito, nanguna ang “Terminator” domestic box office charts.

Inaasahang aabot sa $40 million ang kita ng pelikula sa unang tatlong araw nito sa mga sinehan.

Ang “Dark Fate” ay pagbabalik ni Arnold Schwarzenegger sa “Terminator” simula noong huling sequel ng pelikula noong taong 2015.

Ang ikaanim na Terminator movie ay ginastusan ng $185 million.

Read more...