Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag

Nadagdagan sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 4, nasa 188.55 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Mas mataas kumpara sa 188.32 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Samantala, nadagdagan din ng bahagya ang water level sa Ipo dam na ngayon ay nasa 100.48 meters.

Wala namang pagbabago sa antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 77.41 meters.

Nadagdagan din ang iba water level sa iba pang mga dam sa Luzon, maliban lamang sa Ambuklao dam na nabawasan ang antas ng tubig.

Read more...