McDonald’s CEO nagbitiw sa pwesto matapos ang pakikipagrelasyon sa kapwa empleyado

(AP Photo/Richard Drew)
Nagbitiw sa pwesto ang Chief Executive Officer (CEO) ng McDonald’s na si Steve Easterbrook.

Ito ay kasabay ng pag-amin ni Easterbrook ng pakikipagrelasyon niya sa isang kapwa empleyado na labag sa polisiya ng kumpanya.

Aminado si Easterbrook sa pagkakamali at sinabing sang-ayon siya sa pasya ng board na magbitiw na sa pwesto.

Unang nagpalabas ng press release ang McDonald’s at sinasabing terminated na ang serbisyo ni Easterbrook sa kumpanya.

Paglabag umano sa polisiya ang kaniyang consensual relationship sa isang empleyado.

Si Chris Kempczinski na presidente ng kumpanya ang papalit sa pwesto ni Easterbrook.

Read more...