Sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at Philippine Army, nagsagawa ng relief operations si LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III, LTFRB Region IV at OIC Executive Director Col. Renwick. Rutaquio, at iba pang opisyal para sa mahigit na limang daang (500) pamilya na nasa Boy Scout Evacuation Area sa Bulatukan, Makilala, Cotabato.
Namahagi sila ng tubig, pagkain, malinis na damit, at hygienic products.
Ang Makilala, Cotabato ay isa sa mga pinaka-apektadong lugar na tinamaan ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao.
Halos lahat ng residente ng bulubunduking barangay ng Cabilao, na binubuo ng mga Kaulo at Manobo ay inilikas na sa kani-kanilang mga tirahan at pansamantalang nananatili sa mga evacuation centers.
Ang mga nais magbigay ng tulong o donasyon ay maaring dalhin sa tanggapan ng LTFRB RFRO XI sa Balusong, Matina, Davao City.