Vanjoss Bayaban ng Pangasinan, itinanghal na champion ng “The Voice Kids” season 4

Ang batang si Vanjoss Bayaban mula Pangasinan ang itinanghal na champion sa ikaapat na season ng “The Voice Kids”.

Si Bayaban ay mula sa team ni Sarah Geronimo.

Nakakuha ito ng kabuuang boto na 62.11 percent habang ang dalawa niyang nakalaban ay nakakuha ng 24.74 percent at 13.15 percent.

Sa kaniyang final performance, inawit ni Vanjoss ang “You Raise Me Up.”

Bilang grand champion tumanggap si Vanjoss ng P2 milyon, bahay at lupa at mayroon na rin siyang recording contract.

Read more...