OVP nananawagan ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Umapela ng donasyon para sa mga biktima ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao ang Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Vice President Leni Robredo, ang pinakakailangang relief goods ng mga residente ay:
– Ready to eat food (easy-open canned goods, instant noodles at iba pa)
– Drinking water
– Beddings
– Hygiene Kits
– Laruan ng mga bata

Maaaring dalhin ang donasyon sa 21 Kaliraya St., Brgy. Doña Josefa, Quezon City.

Hindi naman tumatanggap ang OVP ng cash donations pero sa mga nais magbigay maaari itong ipaabot sa kanilang Angat Buhay partner na ‘Kaya Natin’.

Samantala, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng relief operations ng OVP sa Mindanao at pinasalamatan ni Robredo ang Angat Buhay partners at ang Philippine Army.

Nakapagbigay na ang OVP ng mga relief goods, laminated trapal at hygiene kits.



Read more...