M4.5 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-10:42 Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 179 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 49 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Dahil nasa dagat, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...