Nagsagawa ng airlift operations ang Philippine Air Force (PAF) sa ilang mga stranded na residente ng Sitio Kapatagan, Luayon, Makilalala Cotabato, Linggo ng tanghali.
Aabot sa 14 katao ang na-rescue na pawang naiwan sa kanilang mga lugar matapos ang dalawang malakas na lindol noong October 29 at October 31.
Ang mga residenteng ito ay ilang araw nang walang pagkain at tubig.
Kasama si Acting Vice Governor Shirlyn Macasarte-Villanueva sa rescue operations.
Kinailangan pa ng mga sundalo na magputol ng puno para maisagawa nang ligtas ang rescue gamit ang helicopter.
Dalawampu’t isa dapat ang target na isailalim sa airlift rescue ngunit pitong residente ang piniling maglakad para madala ang kanilang mga livestock at motorsiklo sa kabila ng panganib ng mga kalsadang naguhuan ng lupa.