Sa inilabas na pahayag sa Facebook, sinabi ng alkalde na ipinakalat na niya ang mga opisyal ng mga barangay lalo na sa mga malapit sa boundary ng lungsod.
Layon aniya nitong matiyak na hindi makakapasok ang mga armadong grupo sa Cotabato City.
Humiling na rin aniya siya ng tulong mula sa pwersa ng pulisya at militar na higpitan ang ipinatutupad na checkpoints papasok at palabas sa Cotabato City.
Maliban dito, tinututukan din aniya ang mga ilog na posibleng daanan ng mga rebeldeng grupo.
Kasabay nito, humiling si Guiani-Sayadi ng kooperasyon mula sa mga taga-Cotabato City para sama-samang ipagtanggol ang lungsod mula sa mga grupong posibleng sumira ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Kung mayroon aniyang mapansin na kahina-hinalang indibidwal, agad itong i-ulat sa mga otoridad.