China, dapat irespeto ang international maritime laws – Lorenzana

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat irespeto ng gobyerno ng China ang international maritime laws.

Ito ay matapos subukan umanong pigilan ng isang Chinese Coast Guard vessel ang Liberian oil tanker “Green Aura” na lulan ng Filipino crew members sa bahagi ng Bajo de Masinloc noong September 30, 2019.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Lorenzana na dapat irespeto ng China ang international maritime laws para irespeto rin sila ng international community.

Ang “Green Aura” ay dumaan sa West Philippine Sea patungong China mula sa Thailand.

Dagdag ni Lorenzana, dapat irespeto ang freedom of navigation at passage sa pinag-aagawang teritoryo.

Diin pa ng kalihim, ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng Philippine Exclusive Economic Zone at idineklara bilang common fishing area sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.

Tiniyak naman ni Lorenzana sa publiko na ligtas na nakarating ang “Green Aura” sa kanilang destinasyon.

Hindi na rin dapat aniya palakihin ang usapin ukol sa insidente.

Ani Lorenzana, ipinadala na ang official report sa insidente sa National Task Force on the West Philippine Sea para sa gagawing aksyon.

Read more...