DPWH may road reblocking sa EDSA at C-5 ngayong weekend

edsa trafficInabisuhan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista sa isasagawang road reblockings sa EDSA at C-5 ngayong weekend.

Ayon sa DPWH, maaring magdulot ng masikip na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA at C-5 ang mga gagawing road repairs.

Apektado ng road repairs at reblocking ang EDSA southbound, mula Aurora Blvd. hanggang P.Tuazon Street service road first lane.

Gayundin ang EDSA northbound sa harap ng DPWH Second Engineering District Office sa Quezon City, first lane.

Sa Pasig City naman, may isasagawa ding reblocking ang C-5 sa harap ng SM Warehouse Gate 2, second outermost lane, northbound.

Magsisimula ang reblocking at repair sa nasabing mga kalsada mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, January 18.

Read more...