Ruta sa homecoming parade para kay Pia Wurtzbach, inilabas ng MMDA

PIA miss universeInilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang listahan ng mga kalsadang maapektuhan sa homecoming parade para kay Miss Universe Pia Wurtzbach.

Sa abiso ng MMDA sa kanilang facebook account, simula alas 2:00 ng hapon sa January 25, 2016, may mga lansangan nang makararanas ng moderate hanggang heavy na daloy ng trapiko.

Kabilang dito ang mga sumusunod na kalsada:

Hotel Sofitel hanggang V. Sotto
Jalandoni
Bukaneg
Padre Burgos
N. Lopez
A. Villegas
Taft Avenue
Quirino Avenue
Roxas Blvd.
Buendia
Ayala Ave
Rustan’s Makati
Mga bahagi ng EDSA.

Sa susunod na mga araw, maglalabas naman ang MMDA ng alternate routes para sa mga maaapektuhang motorista.

Read more...