Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Cebu City

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Cebu City, Linggo ng hapon.

Ayon sa Cebu City Fire Department, nagsimula ang apoy sa isang tatlong palapag na gusali sa Sitio Panting sa Barangay San Roque bandang 2:59 ng hapon.

Umabot pa sa Alpha alarm ang sunog bandang 4:05 ng hapon.

Patuloy pang inaalam ang bilang ng mga bahay na apektado ng insidente at kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...