Binabantayang LPA, nakalabas na ng bansa – PAGASA

Photo grab from PAGASA’s website

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressura area (LPA).

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, tuluyang nakalabas ng bansa ang LPA bandang 10:00 ng umaga.

Ngunit, nakakaapekto aniya ang trough o dulo ng LPA sa Central Luzon at Southern Luzon.

Dahil dito, makararanas aniya ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Zambales, Bataan, Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Aklan at Antique.

Amihan naman aniya ang umiiral sa bahagi ng Northern Luzon.

Sinabi ni Aurelio na iiral ang maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang Ilocos region, Cagayan Valley at Cordillera.

Samantala, magiging maaliwalas naman aniya ang kondisyon ng panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Read more...