Isang bus, bumangga sa construction site sa Quezon City

Bumangga ang isang pampasaherong bus sa construction site sa Quezon City, Linggo ng umaga.

Batay sa ulat, bumangga ang isang bus ng First North Luzon Transit sa concrete barrier ng isang construction site sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX)-Camachile southbound lane bandang 9:00 ng umaga.

Makikita sa larawan na isa-isang inilabas ng mga rescuer ang mga pasahero ng bus.

Ang nasabing construction site ay bahagi ng Skyway Stage 3 project.

Ayon sa NLEX Corporation, bahagyang nakaranas ng pagbabagal sa daloy ng trapiko sa lugar bunsod ng aksidente.

Natanggal na ng mga otoridad ang bus sa lugar.

Read more...