Ayon kay Lt. Col. Wilfredo Alarcon, officer-in-charge ng Dumaguete City Police Office, isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Purok Tugas sa Barangay Taclobo.
Nakilala ang mga suspek na sina Chira Joy Libradilla alyas “Komi” at Kentford Cabriana.
Nakuha sa dalawa ang 27 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 300 gramo, P1,000 marked money, cell phone, digital weighing scale, motorsiklo, kulay gray na sling bag, lighter at ilang walang laman na plastic.
Naging katuwang ng pulisya sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
MOST READ
LATEST STORIES