Viral sa social media ang video sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Thailand kung saan binibigyan ng tig-isang jersey ng Fédération Internationale de Football Association ang ASEAN leaders.
Sa Facebook page ng Presidential Communicaitons Operations Office (PCOO), makikita sa bandang 12 minuto at 15 segundo ng video na huling binigyan ng jersey si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa ikatlong pwesto ang pangulo mula sa kaliwa at napapagitnaan nina Myanmar’s Aung Suu Kyi at Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.
Matapos bigyan ng FIFA representative ng jersey si Loong, lumaktaw ito kay Suu Kyi at tumuloy kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammed.
Lahat ng siyam na ASEAN leaders ay may hawak nang blue jersey maliban na lamang kay Pangulong Duterte.
Pero makalipas ang 15 minuto, makikita sa video na inabutan na rin ng FIFA representative ng jersey si Pangulong Duterte at nag-pose para sa photo opportunity.
Lumagda sa isang kasunduan ang Southeast Asian countries para suportahan ang 2034 FIFA World Cup na gaganapin sa Thailand.
Narito ang video ng pagbibigay ng jersey ng FIFA sa ASEAN leaders: