Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang sa mahigit 8,000 Bar examinees na kumukuha ng pagsusulit sa University of Sto. Tomas (UST) sa España, Maynila.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nag-aalay ang Palasyo ng isang taimtim na panalangin para sa mga legal aspirant na ilang taon nang nagsunog ng kilay sa pagbabasa ng mga libro, court decisions at jurisprudence bilang paghahanda sa kanilang legal profession.
Ayon kay Panelo, naniniwala ang Palasyo sa kakayahan ng bawat isa na kukuha ng pagsusulit.
Hinimok pa ng Palasyo ang mga Bar examinee na pagsumikapang maging proud ang kani-kanilang pamilya, eskwelahan at komunidad.
Ayon kay Panelo, ito na ang kanilang panahon at pagsumikapan na kuminang sa napiling propesyon.