Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa Cagayan, Linggo ng umaga.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 35 kilometers Southwest ng Calayan bandang 11:54 ng umaga.
May lalim ang lindol na 19 kilometers at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naramdaman ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2:
– Pasuquin, Ilocos Norte
– Claveria, Cagayan
Intensity 1:
– Laoag City
– Gonzaga, Cagayan
Ayon sa Phivolcs, walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES