Stephen Curry 3 buwan na hindi maglalaro matapos ang operasyon sa kamay

AP photo

Naging matagumpay ang operasyon sa kamay ni Golden State Warriors star Stephen Curry sa Los Angeles.

Pero ang masamang balita, tatlong buwan itong hindi makakapag-laro matapos ang naturang operasyon.

Sa naturang panahon inaasahan ang full recovery ni Curry mula sa injury.

AP photo

Nabali ang kamay ng two-time NBA most valuable player sa gitna ng pagtira nito sa laban ng Warriors kontra Phoenix Suns.

Natalo ang koponan ni Curry sa naturang laban.

Kampeon ang Warriors noong 2015, 2017 at 2018 pero sa kasalukuyang season ay isa pa lamang ang panalo ng team sa apat na laro.

 

Read more...