Makilala, Cotabato niyanig ng M3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Makilala, lalawigan ng Cotabato bandang 11:55 Sabado ng gabi, November 2.

Naitala ang episentro ng lindol sa 20 kilometero ng kanlurang bahagi ng Makilala at may lalim ito na 50 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng nasabing pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inasahan ang aftershock at walang naramdamang mga intensity bunsod ng pagyanig.

Wala namang naitala na napinsalang mga ari-arian at nasugatan sa lindol.

 

Read more...