Road closure at rerouting ipatutupad kasabay ng 2019 Bar Exams

File photo

Magpapatupad ang Manila Police District (MPD) road closure at rerouting kasabay ng isasagawang 2019 Bar Exams simula ngayong Linggo November 3.

Base sa abiso ng MPD, apektado sa stop and go traffic situation ang mga kalsada ng P. Noval, Dapitan, A.H. Lacson Avenue at España Boulevard.

Maaaring magbaba ng pasahero sa bahagi ng University of Santo Tomas (UST) mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng umaga.

Simula alas 5:00 ng hapon naman ay pwede namang magpick-up o magpasakay ng pasahero sa nasabing lugar.

Hindi naman papayagang mag park ng sasakyan sa paligid ng UST.

Pakiusap ni MPD director Police Brig. Gen. Bernabe Balba sa mga motorista na sumunod sa road rerouting na ipatutupad.

Umaasa si Balba na makikiisa ang mga motorista sa gagawing road closure at rerouting na ipatutupad ng MPD.

Sa apat na Linggo ng Nobyembre ang schedule ng 2019 Bar Exams.

 

Read more...