3 drug suspects arestado sa QC

QCPD photo

Timbog ang tatlong drug suspects matapos ang ginawang buy-bust operation ng mga pulis ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City bandang 6:50 Sabado ng gabi November 2.

Target ng mga pulis sina Ayzel Jay P. Santos, 30 anyos; Mhe lyka, 28 anyos at Alvin S. Macapagat, 36 anyos na mga residente ng Mendez St. sa Baesa.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 at isang P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Ang nasabing operasyon ay ginawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD).

Inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek.

 

Read more...