Apat na tonelada ng mga basura ang iniwan ng mga bumisita sa kanilang ng mga namayapa sa mga pampublikong sementeryo na Carreta at Calamba sa Cebu City.
Ayon kay Engineer Joel Biton, pinuno ng Cebu City Department of Public Services, karamihan sa nahakot na mga basura ay plastic, bulaklak at styrofoam.
Hindi pa kabilang sa mga nakolekta ang iba pang uri ng basura mula sa dalawang sementeryo mula November 1.
Inaasahan na mas marami pang basura ang makukuha sa lahat ng 23 public at private cemeteries sa lungsod sa araw ng Linggo.
Nakatulong naman ang ordinansa laban sa pagtatapon ng basura sa pagkaunti ng nahakot na mga basura.
Nasa 29 ang lumabag sa ordinansa kung saan P500 ang multa.
Mahigit 3,000 ang naitalang pumunta sa Carreta Cemetery habang tinatayang 4,000 ang bumisita sa Calamba Cemetery ngayong Undas.