2 miyembro ng teenage gang arestado sa pagpatay at pagnanakaw sa QC

Arestado ang dalawang 17 anyos na lalaki na sangkot sa mga insidente ng robbery with homicide sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), apat na miyembro ng teenage gang na “Young Trouble Makers” ang nagnakaw sa Express Lane Minimart at napatay ang service crews na sina Reymund Dag-ay, 32 anyos at Romeo Econal, 24 anyos.

Sa operasyon ng pulisya sa Kapalaran St., Barangay Holy Spirit, nasugatan ang isang 15 anyos na suspect habang nakatakas ang mga kasama nito.

Habang naaresto ang dalawang binatilyong suspects sa follow-up operation sa Barangays Payatas at Holy Spirit.

Inamin ng dalawa na kasama sila sa pagnanakaw sa Express Lane Minimart at sa isang tindahan ng litson manok sa Luzon Avenue kung saan napatay naman nila ang tauhan na si Noel Lampitap, 39 anyos habang sugatan si Junie Gumanid, 18 anyos.

Tinutugis na ng pulisya ang iba pang miyembro at ang lider ng grupo na nakilalang si alyas John Paul.

 

Read more...