M4.4 na lindol yumanig sa Sarangani, Davao Occidental


Muling niyanig ng isang lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Sa datos na inilabas ng Phivolcs, tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa bayan ng Sarangani sa nasabing lalawigan.

Bandang ala-1:03 Sabado ng hapon, Nov. 2, 2019.

May lalim na 313km ang nasabing pagyanig at may layong 153km kanlurang bahagi ng Sarangani.

Tectonic naman ang origin nito.

Wala namang naiulat na nasugatan at nasirang mga ari-arian nang yumanig ang nasabing lindol.

Read more...