Humihingi ng saklolo ang mga residenteng apektado at pinsala ng lindol sa lalawigan ng Cotabato.
Sa pagtama ng tatlong magkakasunod at malalakas na lindol sa lalawigan nitong nagdaang linggo, ay napinsala ang ilang pipes ng Metro Kidapawan Water District at natabunan naman ng gumuhong lupa ang mga dam sa lugar pati nadin ang ilog ng Saguing na kapwa nagsisilbing water sources ng ilang lugar sa lalawigan na naapektuhan ng kalamidad.
Dahilan para magkaroon din ng kakulangan sa suplay ng tubig sa lugar.
Sa ngayon ay nagpapadala ng mga water trucks ang lokal na pamahalaan sa mga lugar na walang tubig habang isinasaayos pa ang mga nasirang pipes at dam.
Nagsimula na rin na makipagtulungan sa kanila ang mga karatig lugar sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tubig sa apektadong lugar.
Ayon kay Makilala Vice Mayor Ryan Tabanay, inaasahan nila ang tulong ng kanilang mga kalapit probinsya na makapag padala ng mga rasyon ng tubig gamit ang mga 10-wheeler trucks.
Bukod sa kakulangan sa suplay ng tubig ay napinsala din ang mga tirahan ng mga tao sa lugar kung kaya’t sa mga tent na lamang sila nananahan sa ngayon.