Nagsimula na sa paglilinis ang ilang mga local officials sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila.
Sa Manila North Cemetery ay maaga pa lamang ay sinimulan na ang paghahakot ng mga basura kung saan ay umabot na sa apat na truckload ng mga kalat ang kanilang nakuha.
Kinabibilangan ito ng ilang mga styrofore, mga tirang pagkain, plastic bottles at iba pang mga kalat.
Katuwang ng mga local officials ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paglilinis sa mga sementeryo.Nauna nang sinabi ng MMDA na iwasan ang pagkakalat sa mga libingan pero hindi rin ito sinunod ng ilang mga bumisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Kumpara sa nakalipas na mga taon, umaasa naman ang MMDA na mas kaunti ang basurang mahahakot nila ngayon dahil sa pagbabawal sa ilang mag vendors sa ilang pangunahing sementeryo sa lungsod ng Maynila.