Xavier-Ateneo students umani ng awards sa pagbuo ng makabuluhang mobile apps

Xavier-Ateneo photo

Tatlong top students mula sa Xavier University-Ateneo de Cagayan ang tumanggap ng parangal mula sa Bank of Philippine Islands (BPI) at Department of Science and Technology (DOST).

Ito ay may kaugnayan sa pagkakabuo nila ng mobile application na “PalayLab”.

Sa pamamagitan ng PalayLab ay mas madali nang malalaman ng mga rice farmers kung anong uri ng peste o sakit sa palay meron ang kanilang mga pananim.

Sinabi ni BPI Foundation Executive Director Maricris San Diego na layunin ng BPI-DOST Science Awards, na matulungan ang mga Pinoy na mag-aaral na ituloy ang kanilang mga proyekto na may kaugnayan sa science and technology.

Ipinaliwanag ni San Diego na sa pamamagitan ng scientific research at innovations ay mas makatitiyak ang mga Pinoy ng mas maayos na hinaharap lalo na sa pagsusulong ng mas maunlad na bansa.

Sa kanyang 30th year ay nakasentro ngayon ang BPI-DOST Science Awards sa pagkilala sa mga natatanging mag-aaral na nakakuha ng mga pagkilala sa larangan ng basic and applied science.

Kabilang sa top 10 awardees with the most promising researches sina Marc Anthony B. Reyes at Marvin Serge G. Fuentes, na kapwa BS Computer Science students sa Xavier Ateneo.

Sa ginanap na annual research competition ay ipinakita ni Reyes resulta ng kanyang pag-aara at pagbuo sa PalayLab na kanyag ipinakilala bilang “A Mobile Application Using Convolutional Neural Networks for Detecting Rice Plant Diseases and Pests.”

Ipinakita naman ni Fuentes ang kanyang “Atom chatbot” na nakapaloob sa kanyang research workna may titulong “Developing a Rule-Based Chatbot to Classify the Severity of Depression Using Decision Trees.”

Ang Atom chatbot ay gumagamit ng natural language processing engine para ma-detect ang level of depression ng isang tao.

Isa pang research entry mula sa Xavier-Ateneo na pasok sa top 30 ay ang research work ni Lloyd Alvin Caumban na isang BS Biology student.

Ang kanyang research ay may titulong “Bioremediation Potential and Biomass Production of Indigenous Microalgae Consortia Cultured in Urban Wastewater,” ay naka-sentro sa isang uri ng microalgae na naghihiwala ng bad sa good bacteria mula sa wastewater.

Sina Reyes at Fuentes kapwa tumanggap ng P25,000, medalya ng pagkilala, at certificate.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ni  DOST-Science Education Institute Director Dr. Josette Biyo na tunay na maipagmamalaki ng bansa ang kontribusyon ng mga batang Pinoy researcher at scientists.

Read more...