2 holdaper arestado sa Pasig City

Arestado ang dalawang suspects sa umanoy pagnanakaw at pagdadala ng pampasabog at ibang armas sa operasyon ng pulisya sa Pasig City.

Ang mga naaresto ay sinasabing mga miyembro ng robbery-holdup group sa syudad.

Ayon kay Pasig City Police chief Col. Moises Villaceran, nagsumbong ang tatlong kabataan na ninakawan sila ng dalawang suspects na nalamang mga residente sa Barangay Pinagbuhatan.

Sakay ng motorsiklo ay tumakas ang dalawa pero nasukol ng mga pulis sa follow-up operation sa Barangay Kapasigan.

Nabawi sa mga suspects ang ninakaw na mga gamit ng mga biktima.

Narekober din sa mga ito ang isang patalim, replica gun at dalawang granada.

 

Read more...