Red Cross natulungan ang 6,710 katao ngayong #Undas2019

PRC photo

Umabot sa higit 6,700 katao ang bilang ng natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa kaugnay ng kanilang #Undas2019 operations.

Sa pinakahuling tala ng PRC alas-12:00 ng hatinggabi ng Sabado (Nov.2) kabuuang 6,710 pasyente ang kanilang naasistehan.

Ayon sa PRC, dahil sa kapal ng tao at layo ng lakaran sa binisitang mga sementeryo, marami ang nagreklamo ng pagkahilo kaya’t kinailangang i-monitor ang kanilang blood pressure.

Marami rin ang binigyan ng first aid matapos magtamo ng sugat, sprain at pagdugo ng ilong.

Patuloy na magbibigay-serbisyo ang Red Cross dahil inaasahang libu-libo pa rin ang tutungo sa mga sementeryo ngayong araw, All Souls’ Day.

Read more...