Robredo hindi ‘scapegoat’ sa palyadong drug war

Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi ito ang dapat sisihin sa umanoy bigong kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, makakatiyak ang administrasyon na handa silang tumulong sa war on drugs.

Pero ang hindi anya matanggap ng pangalawang pangulo ay ito pa ang masisi sa huli dahil sa kabiguan ng pamahalaan na maresolba ang problema.

“Since before and up to now, Vice President Robredo is always ready to help. What she will not stand for is being made a scapegoat for all the shortcomings of the ‘drug war’ for the past three and a half years. This admin made the impossible promise to end crime and drugs in six months, and if they are now being called to account for their failure to deliver, they should not blame VP Leni for it,” ani Gutierrez.

Pahayag ito ng abogado kasunod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng cabinet post si Robredo at handa niyang ibigay sa bise presidente ang kanyang law enforcement power sa natitirang mga araw ng termino nito.

Paliwanag ng kampo ni Robredo, dati na itong nagpahayag ng pag-aalala sa drug war pero hindi ito pinansin.

May mga iminungkahi na umano si Roberdo sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung paano mapagbuti ang kampanya pero hindi ito inaksyunan at isinantabi pa ito sa talakayan kalaunan.

Tinutukoy ni Gutierrez ang sulat noon ni Robredo kay dating Interior Sec. Ismael Sueno kung saan nakasaad ang mga isyu ukol sa Oplan Double Barrel.

Dagdag nito, dapat ay hindi idinaan sa text message ang alok kay Robredo at dapat munang magpahinga ang pangulo ngayong holiday kaysa muling binatikos ang pangalawang pangulo.

 

Read more...