VIRAL: Konduktor ng bus naiwan sa NLEX

Roby Elean Lacsamana photo

Viral ngayon sa social media ang isang post ukol sa isang kondutor ng bus na naiwan umano sa expressway.

Sa Facebook post ni Roby Elean Lacsamana, sinabi nito na isang konduktor ng Bataan Transit bus na biyaheng Maraviles, Bataan ang naiwan sa highway.

Ayon kay Lacsamana, nasa gitna sila ng North Luzon Expressway (NLEX) nang biglang tumigil ang bus.

Sa mga komento sa post ay nabatid na muli namang nakasakay ang konduktor sa bus.

Walang malinaw na dahilan kung bakit naiwan ang konduktor.

Pero napuna ng mga pasahero na tila hindi umano nagpapansinan ang driver at konduktor ng bus.

Hindi naman kumpirmado kung ito ang dahilan kung bakit naiwan sa expressway ang konduktor.

Read more...