VP Leni, 2 anak binisita ang puntod ni dating Sec. Jesse Robredo

VP Leni Robredo photo

Binisita ni Vice President Leni Robredo ang puntod ng yumaong asawa na si dating Interior Sec. Jess Robredo, araw ng Biyernes.

Sa kanyang Facebook post, inalala ng bise presidente kung paano ginugunita ng kanilang pamilya ang Undas noong buhay pa ang kanyang asawa.

Dati anya ay lumilibot silang pamilya sa mga semeteryo sa Naga para magsindi ng kandila sa puntod ng mga kapamilya at kaibigan na pumanaw.

Pero mula nang mamatay si Jesse ay sa puntod na lamang nito sila nagpupunta ng kanyang mga anak.

Nagpapasalamat naman si Leni na matapos ang pitong taon ay patuloy na bumibisita ang mga kaibigan sa puntod ng asawa at nagbibigay pugay.

Kasama ng bise presidente sa pagbisita sa puntod kahapon ang mg anak na si Aika at Tricia.

Si Jillian ay dalawang taon na nilang hindi nakakasama sa Undas dahil tinatapos nito ang kusong biomolecular sciene degree sa New York University sa United States.

Read more...