3 sepulturero naaktuhang bumabatak ng shabu sa sementeryo sa Cavite

File photo

Huli sa akto ang pagbatak ng shabu ng tatlong sepulturero sa sementeryo sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa pulisya, arestado sina Roel Castillo, Graceleo Genova at Randy Trisalbon na naglilinis ng mga puntod sa sementeryo.

Nagkasa ng operasyon ang mga pulis kasunod ng sumbong ukol sa paggamit ng droga ng mga sepulturero.

Naaktuhan ang tatlo sa gitna ng drug session nang dumating ang mga pulis.

Aminado naman ang mga ito sa paggamit ng shabu.

Nakuha sa mga suspects ang P30,000 hakaga ng shabu at mga gamit sa pagdodroga.

 

Read more...