Residential area sa Makati nasunog

Mark Julius Bacolod Masangcay photo

(2nd UPDATE) Limang pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Calamansi St. Brgy. Cembo, Makati City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Makati, alas-12:31 nang magsimula ang sunog at tupukin ang limang bahay.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang makontrol ala-1:52 ng madaling araw.

Maswerte namang walang nasaktan sa sunog.

Inaalam pa ang sanhi nito at ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Read more...