Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, batay sa kanilang monitoring ay “generally peaceful and orderly” ang paggunita sa All Saint’s Day araw ng Biyernes, November 1.
“The PNP finds the situation to be generally peaceful and orderly nationwide,” ani Banac.
Gayunman ay mananatili ang alerto ng pulisya at kahandaan na tumugon sa anumang sitwasyon.
Noong Lunes ay inilagay ni PNP officer-in-charge Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa sa full alert status ang pambansang pulisya.
Mahigit 35,000 na mga pulis ang itinalaga sa buong bansa para sa Undas ngayong taon.
Nagbantay ang mga ito sa mga sementeryo, pangunahing lansangan, terminal ng mga pampublikong sasakyan, pantala, paliparan at ibang lugar.
Nagpasalamat ang PNP sa kooperasyon ng publiko sa pagpapanatili ng disiplina sa paggunita sa kanilang mga namayapa.
Liban sa nakumpiskang mga ipinagbabawal na mga gamit sa sementeryo ay wala namang malaking insidente na naitala ang PNP.