Mayor Moreno, nagbigay ng P5M donasyon sa mga apektado ng lindol sa Cotabato

Photo grab from Isko Moreno Domagoso’s Facebook page

Magbibigay ng P5 milyong donasyon ang pamahalaaang lungsod ng Maynila sa mga residenteng apektado ng lindol sa Cotabato.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, nakalikom siya ng P5 milyon matapos siyang pumayag na maging endorser ng dalawang kumpanya.

Sa P3 milyon mula sa Pascual Laboratories at P2 milyon sa Belo Medical Group na talent fee, inilaan ito ng alkalde bilang donasyon sa Cotabato.

Ipinakita pa ng alkalde ang tseke kung saan makikitang naka-address ito sa Provincial Government ng Cotabato.

Ito aniya ang naisip na paraan ng pamahalaaang lungsod ng Maynila para makatulong sa mga kababayan sa Mindanao region.

Nais aniya niyang maparamdan sa mga residente ng Cotabato na hindi sila nag-iisa matapos ang sakuna.

Nakalulungkot aniya dahil sunud-sunod ang pagyanig ng lindol sa rehiyon.

Wala aniyang Katoliko, Muslim o iba pang relihiyon sa pakikipagtulungan sa kapwa-Filipino.

Nagparating din ng pakikiramay at pakikidalamhati si Moreno sa mga biktima ng lindol.

Read more...