Isang kalsada sa bahagi ng Bukidnon, pansamantalang isinara dahil sa landslide

Gumuho ang lupa sa bahagi ng Sumilao, Bukidnon araw ng Biyernes.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 10, naganap ang landslide sa Sitio Damay sa Barangay San Vicente.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang kalsada sa mga motorista.

Nagsasagawa na ng clearing operation ang DPWH Bukidnon 3rd District Engineering Office (DEO) sa lugar.

Katuwang ng kagawaran sa operasyon ang pamahalaang lokal ng Sumilao at 52nd Engineering Brigade.

Read more...