2 LPA, binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa

Photo grab from PAGASA’s website

Mayroong dalawang low pressure area (LPA) na binabatayan ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na ang isang LPA ay huling namataan sa 180 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte habang ang ikalawang LPA ay nasa 150 kilometers Northwest ng Zamboanga City.

Dahil dito, sinabi ni Aurelio na makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa.

Asahan na aniya ang maulap na kalangitan na kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, Visayas, Caraga, northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Samantala, dahil naman sa northeast monsoon o Amihan, makararnas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region.

Magiging maaliwalas naman ang nalalabing bahagi ng bansa maliban sa localized thunderstorms.

Dagdag pa nito, mababa naman ang tsana na lumakas at maging ganap na bagyo ang dalawang LPA.

Read more...