Daloy ng trapiko sa SLEX, NLEX maluwag pa rin

PHOTO CREDIT: @NLEXexpressways/TWITTER

Maluwag pa rin ang daloy ng trapiko sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX).

Ito ay kasabay ng paggunita ng All Saints’ Day.

Batay sa abiso ng SLEx-Manila Toll Expressway Systems bandang 3:31 ng hapon, light traffic ang nararanasan sa northbound at southbound lane ng Alabang viaduct.

Maluwag din ang trapiko sa Ayala at Calamba toll plaza sa magkabilang lane.

Samantala, wala ring pagsisikip sa daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), Biyernes ng hapon.

Ayon sa NLEX corporation, bandang 3:37 ng hapon, kakaunti na lamang ang sasakyang dumadaan sa bahagi ng Balintawak, Valenzuela, Bocaue at buong stretch nito.

Read more...