Napulot na pouch na may lamang dollar bills isinauli ng security guard sa NAIA

Pinapurihan ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang gwardya na nakatalaga sa Terminal 1 matapos isauli ang pich ng isang pasahero na naglalaman dollar bills.

Sa kasagsagan ng Undas rush ay nakita ng gwardya na si Sanzebal Mastul ang pouch sa isa sa mga carousel sa conveyor area.

Agad dinala ni Mastul ang pouch sa paging section para maipanawagan ito.

Pero sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ay walang nag-claim ng pouch ka dinala ito sa MIAA Lost and Found Section.

Sa isinagawang inventory may nakitang dollar bills sa loob ng cash pero walang identification card sa loob nito.

Dahil walang ID sa pouch, ang sinumang claimant ay hihingan ng impormasyon sa description ng pouch at halaga ng nasa loob nito para mapatunayang siya ang may-ari.

Read more...