Mga residente sa Mindanao pinayuhan ng DILG na ipa-assess ang kanilang mga bahay at iba pang istraktura

Inabisuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga residente sa Mindanao na hayaang magsagawa ng assessment ng mga otoridad sa mga istraktura.

Ito ay matapos tumama ang magkakasunod na malakas na lindol sa rehiyon.

Sa inilabas na pahayag, hiniling ni DILG Secretary Eduardo Año sa publiko na makipag-ugnayan sa mga otoridad para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang operasyon ng mga Disaster Risk Reduction and Management Council at local government unit.

Hinikayat din nito ang mga taga-Mindanao na manatiling kalmado at harapin ang mga pagsubok na ang prayoridad ay ang kaligtasan ng lahat.

Read more...