Ayon sa opisyal ng Energy Development Corporation (EDC), lahat ng empleyado nilang nagtatrabaho sa Mt. Apo Geothermal Plant sa Kidapawan City nang tumama ang lindol ay nasa maayos na kondisyon.
Ang pahayag ay inilabas ni Romy Kee, plant facility head, para mapawi ang pangamba ng mga kaanak ng kanilang mga manggagawa matapos lumabas ang mga balita na 100 empleyado nila ang na-trap sa planta.
Sinabi ni Kee na naapektuhan ng pagyanig ang kanilang power plants sa paanan ng Mt. Apo at nagpatupad sila ng “turning gear operation”.
Kinakailangan aniya ng agarang structural assessment ng pasilidad pero prayoridad nila ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at kanilang mga pamilya na nasa Brgy. Ilomavis.
Sinabi ni Kee na tinulungan na nila ang nasa 1,400 na residente para mailikas sa ligtas na lugar.
Ang magkakasunod na pagyanig ay nagresulta na landslides paanan ng Mt. Apo.